
Nagkaroon na ako nyan. Nandyan siya para sakin lagi. Masaya ako kapag kasama ko siya. Bestfriends kami. Hanggang sa isang araw, sinabi niyang nahulog na siya sakin. Hindi kami nagkailangan. Subalit mas lalong humigpit yung bond namin. Mas nakilala ko siya.
Alam ko tanga ako. Sinayang ko yung lalaking ganun. Yung nasa tabi mo lang pag umiiyak ka. Hindi ko rin alam. Ang bobo ko sa pag-ibig.
Kung sino pa yung binabalewala ako, yung pa yung mahal ko. At kung sino naman yung nagmamahal sa akin, yung naman yung binabalewala ko.
Pag mahal mo kasi ang isang tao, wala kang pakialam kung mahalin ka man niya in return. Kasi mahal mo, wala nang pero pero. Mahal mo eh. Kahit magpakatanga ka dyan. Wala kang magagawa, nahulog na eh.
Naawa ako sa kanya. Kasi alam ko rin yung feeling na nababalewala. Masakit.
Kasi ako, itong bulag, ika nga nila. Nagpapakatanga dun sa lalaking hindi ako pinapansin. Dun sa bwisit na lalaking walang modo. Dun sa lalaking mahilig magpaiyak. Dun pa sa bwisit na lalaking walang kwenta.
Araw araw kong hinihiling na makalimutan na siya. Araw-araw. Yung feeling na, kahit alam mong may girlfriend siya, mukha kang tanga nakangiti para sa kanilang dalawa. Kasi alam mong wala ka namang magagawa. Kasi pag mahal mo, hindi mo na maiisip ang sarili mo.
Lecheng pag-ibig.
